Tuesday, May 22, 2012

Sining, Saklaw at Gampanin ng Retorika


May 21, 2012

Unang araw para sa sa unang termino ng taon. Muntik na akong malate sa klase dahil kumain pa ako sa cafeteria  dahil after ng bmath  class kasunod nito ang filip13 .Hindi fulltime teacher ang aming guro na si ginoong Ares B. Gonzales sa CSB pero masaya sya magturo dahil nagigising ako sa jabila ng aking inaantok na mga mata dala ng puyat at pagod sa trabaho.
At dahil mahirap maghanap ng libro sa LRC naisipan kong ilagay dito ang kanyang unang lesson na may kasunod ng pagsusulit sa susunod na araw.
Sana ay makatulong ako sa ibang mag aaral.


"We can do no great things, only small things with great love".  ~Mother Teresa



Retorika

Ayon kay Sebastian(2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita. Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.
  • Galing sa salitang “rhetor” (Salitang Griyego) na nangangahulugang “guro” o mahusay na oradr/mananalumpati
  • Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.
  • Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.
  • Ang kasanayang ito ay natututunan  o napagaaralan
  • Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.
Bilang isang sining

Tulad ng  awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at  mambabasa.
Isang Kooperativong sining
Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisan ideya.
  • Isang pantaong sining
Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao ang retorika ay isa ring siniong at pantao.
  • Isang Temporal na sining
Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap  sa lenggwhae ngayon at hindi bukas o kahapon.
  • Isang limitadong sining
Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.
  • Isang may kabiguang sining
Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.
  • Isang nagsusupling na sining
Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.
Saklaw ng retorika
  1. Lipunan
  2. pilosopiya
  3. wika
  4. iba pang larangan
  5. sining
Gampanin
  • Nagbibigay daan sa komunikasyon
Ano  man an gating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao.
  • Nagdidistrak
Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.
  • Nagpapalawak ng pananaw
Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin
  • Nagbibigay ngalan,
Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.
  • Nagbigay-kapangyarihan
Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at makapangyarihan.  Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.
Referens:
Bernales, R.A., Carcia L.C., Salvador, J.C., et’al. Mabisang retorika sa wikang Filipino. (pp.3-6)

1 comment:

  1. aside sa 5 gampanin ng retorika na nakikita natin sa mga aklat ano- ano pa ang mga gampanin nito.. plz help me poh para poh ito sa aming activity..

    ReplyDelete